Jumper ni Morant nagsalba sa Grizzlies
MINNEAPOLIS — Ipinasok ni Ja Morant ang isang tie-breaking jumper sa huling 18 segundo habang kumamada si Jaren Jackson Jr. ng 33 points sa 127-125 pagtakas ng Memphis Grizzlies sa Minnesota Timberwolves.
Tumapos si Morant na may 12 points, ngunit itinabla ang Grizzlies (25-14) sa 125-125 sa nalalabing 54 segundo ng fourth quarter bago ang kanyang 11-footer para sa kanilang panalo.
Nagdagdag si Desmond Bane ng 21 points tampok ang apat na three-point shot.
Mintis ang dalawang 3-point attempt ni Anthony Edwards sa natitirang 7.3 segundo na pumigil sa three-game winning streak ng Timberwolves (20-18).
Umiskor si Donte DiVincenzo ng season-high 27 points para sa Minnesota, habang may 21 at 15 markers sina Jaden McDaniels at Edwards, ayon sa pagkakasunod.
Sa Portland, nagpaputok si Tyler Herro ng 32 points, kasama rito ang pitong three-pointers, para akayin sa 119-98 panalo ang Miami Heat (20-17) sa Trail Blazers (13-25).
Sa Detroit, nagsumite si Cade Cunningham ng triple-double na 22 points, 17 assists at 10 rebounds para tulungan ang Pistons (20-19) sa 123-114 pagpapatumba sa Toronto Raptors (8-31).
- Latest