Ildefonso, Abando balik-SGA
MANILA, Philippines — Lalong pinalakas ng Strong Group Athletics ang puwersa nito matapos idagdag sina Rhenz Abando at Dave Ildefonso para sa inaabangang kampanya sa 34th Dubai international Baskebtall Championship sa Enero 24 hanggang Pebrero 2.
“They’ve both proven themselves on big stages before, but this tournament will be a test of their ability to lead and deliver under pressure,” ani coach Charles Tiu ng SGA.
Malaki ang inaasahan ni Tiu sa dalawang dating Korean Basketball League imports lalo’t wala na ang iba nilang pambato na sina Kevin Quiambao, JD Cagulangan at Jordan Heading.
Sumabak na sa KBL sina Quiambao at Cagulangan para sa Goyang Sono Skygunners at Suwon KT Sonicboom, ayon sa pagkakasunod, habang nasa PBA na si Heading para sa Converge FiberXers.
Makakasama nila sa pagbandera ng local crew ang beteranong Filipino-American point guard na si Jason Brickman pati na sina NCAA MVP Allen Liwag, Tony Ynot at Justine Sanchez, na pare-parehong manlalaro ni Tiu sa St. Benilde Blazers.
- Latest