^

PSN Palaro

Hotshots nakaiwas sa pagsilat ng Dyip

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hotshots nakaiwas sa pagsilat ng Dyip
Sinupalpal ni Magnolia import Ricardo Ratliffe ang layup ni Kevin Ferrer ng Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sinimulan ng Magno­lia ang misyon para ma­ka­­sampa sa quarterfinal round ng Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

Humakot si import Ri­car­do Ratliffe ng 32 points at 14 rebounds para akba­yan ang Hotshots sa 89-84 pagsibak sa Terrafirma Dyip kahapon sa Ninoy Aqui­no Stadium sa Malate, Ma­nila.

Pinaganda ng Magnolia ang kanilang kartada sa 3-5 kasabay ng paghuhulog sa Terrafirma sa ilalim sa 0-9 mar­ka.

Ito rin ang ika-20 sunod na pagkakataon na ti­nalo ng Hotshots ang Dyip si­mula noong 2016.

“I told the players that it’s a matter who wants it more,” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero. “Be­cause they are also backs against the wall, do or die si­tuation din ang Terra­fir­ma.”

Nagdagdag si Zav Lucero ng 17 markers, habang may 13 at 11 points sina Ian Sangalang at Jerom Lastimosa, ayon sa pag­kakasunod.

Naging dikitan ang bakbakan kung saan walang ko­­ponan ang nakapagtala ng double-digit lead sa kabuuan ng laro.

Tinapos ng Hotshots ang first half bitbit ang 41-40 abante patungo sa 68-66 bentahe sa pagtiklop ng third quarter.

Ang jumper ni Stanley Pringle ang nagtabla sa Dyip sa 75-75 sa 6:26 mi­nuto ng fourth period.

Muling naagaw ng Mag­nolia ang 82-75 ka­lama­ngan mula sa dalawang free throws ni Lucero, three-point shot ni Aris Dio­nisio at inside basket ni Ratliffe sa 4:03 minuto nito.

Huling nakadikit ang Ter­rafirma sa 84-87 sa na­ti­tirang 1:10 minuto galing sa ikalawang triple ni import Brandon Edwards.

Ang tirada ni Ratliffe sa nalalabing 29.3 segundo ang sumelyo sa pagba­ngon ng Hotshots mula sa 92-95 kabiguan sa Ginebra Gin Kings sa kanilang ‘Christmas Clasico’.

Pinamunuan ni Pringle ang Dyip sa kanyang 22 points, habang may 3 mar­kers si Terrence Romeo sa una niyang laro matapos i-trade ng San Miguel Beermen.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with