^

PSN Palaro

4 teams sisilip ng pag-asa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na koponan ang magpipilit makabangon mula sa kabiguan para buhayin ang tsansa sa quarterfinal round ng Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

Magtutuos ang Magnolia at kulelat na Terrafirma ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang upakan ng Meralco at NLEX sa alas-7:30 ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Nagmula sa pagkatalo ang Hotshots, habang wala pang panalo ang Dyip sa kanilang walong laro.

Minalas din ang Bolts sa huli nilang asignatura, samantalang gustong wakasan ng Road Warriors ang tatlong sunod na kabiguan matapos ang 1-3 panimula sa torneo.

Solo ng NorthPort ang liderato bitbit ang 6-1 baraha kasunod ang Rain or Shine (5-1), Converge (6-2), Ginebra (5-2), guest team Eastern (6-3), Meralco (4-3), TNT Tropang Giga (3-2), San Miguel (3-4), NLEX (3-4), Magnolia (2-5), Phoenix (2-5), Blackwater (1-5) at Terrafirma (0-8).

Nakalasap ang Bolts ng 99-101 pagkatalo sa Tropang Giga at yumukod ang Road Warriors sa Hotshots sa overtime, 95-99, sa mga huli nilang laban.

Muling aasahan ng Meralco sina import Akil Mitchell, Chris Newsome, Cliff Hodge, Chris Banchero, Aaron Black at Bong Quinto katapat sina reinforcement Mike Watkins, Robert Bolick, Kevin Alas, Rob Herndon at Javee Mocon ng NLEX.

Samantala, determinado rin ang Magnolia na manalo para sa pag-asang makapasok sa quarterfinals kagaya ng hangarin ng Terrafirma.

Huling sumalang ang Hotshots noong Disyembre 25 sa ‘Christmas Clasico’ kung saan sila minalas sa Gin Kings, 92-95, matapos bitawan ang hawak na 22-point lead.

Talo naman ang Dyip sa Fuel Masters, 108-122, para sa kanilang pang-walong dikit na kamalasan.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with