^

PSN Palaro

50 Greatest

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Fifty years old na ang PBA sa April 9.

At highlight ng celebration, gathering ng PBA pla­yers – mga active at retired. Dehins ko sure ilan sila lahat.

Then may presentation ng 50 Greatest Players. Nauna na ang 25 Greatest nung 2000 then naging 40 Greatest nung 2015.

Dadagdagan ng sampu para maging 50. Timing sa 50th anniversary.

Magbubuo ang PBA ng committee para piliin ang mga bagong myembro. Pero nilinaw ni Kume Willie Marcial na dehins manggagaling sa present players.

Dahil after mabuo ang 40 Greatest, tumaas ang kilay ng iba bakit nauna pa ang mga mas batang players dun sa mga dehins pumasa sa original na 25.

Nasa unang batch sila Jaworski, Fernandez, Patrimonio, Adornado, Guidaben, Paras, Co, Hubalde, Cezar, Arnaiz, Brown, Abarrientos, Agustin, Caidic, Calma, Codiñera, Duremdes, Fabiosa, Florencio, Lastimosa, Lim, Magsanoc, Meneses, Paner at Em Beng.

Unanimous decision.

Pero nung nagdagdag sila ng 15, meron yatang nakalimutan sa mga older batch gaya nila Tuadles, Asaytono at Abe King or sila Hawkins, Espino at Seigle.

Pumasok sila Ildefonso, Yap, Miller, Taulava, Menk, Williams, Helterbrand, Alapag, Caguioa, Santos, Castro, Pingris, Raymundo, Aquino at Chito Loyzaga.

This time, sisiguraduhin ng PBA na walang deser­ving player sa older batch ang malalaktawan.

Aprub!

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with