SGA bumandera sa NBA All-Star voting
NEW YORK - Binanderahan ni superstar Shai Gilgeous-Alexander ng Oklahoma City Thunder ang guard position sa Western Conference sa first round ng 2025 NBA All-Star voting.
Humakot si Gilgeous-Alexander ng 1,053,683 votes para pamunuan ang West backcourt kasunod si Dallas Mavericks star Luka Doncic na may 870,071 votes.
Nasa ilalim nina Gilgeous-Alexander at Doncic sina Stephen Curry (810,357) ng Golden State Warriors, Kyrie Irving (503,567) ng Mavericks at Anthony Edwards (411,749) ng Minnesota Timberwolves.
Bumandera naman sa Eastern Conference guards si LaMelo Ball ng Charlotte Hornets sa kanyang 947,444 votes kasunod sina Donovan Mitchell (718,084) ng NBA-leading Cleveland Cavaliers at Damian Lillard (704,914) ng Milwaukee Bucks.
Namuno sina Bucks forward Giannis Antetokounmpo at Denver Nuggets center Nikola Jokic sa East at West frontcourt, ayon sa pagkakasunod.
Nakalikom si Antetokounmpo ng 1,710,630 votes para pangunahan ang East frontcourt talent sa itaas nina Jayson Tatum (1,385,851) ng Boston Celtics, Karl-Anthony Towns (1,099,966) ng New York Knicks at Paolo Banchero (484,096) ng Orlando Magic.
May 1,422,121 votes si Jokic kasunod sina Kevin Durant (1,268,799) ng Phoenix Suns at LeBron James (1,167,661) ng Los Angeles Lakers sa West side.
Pang-apat si Anthony Davis ng Lakers sa kanyang 999,540 votes sa itaas ng 928,501 votes ni French star Victor Wembanyama ng San Antonio Spurs.
- Latest