^

PSN Palaro

Pagtarget sa unang winter Olympics medal sisimulan ng POC

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pagtarget sa unang winter Olympics medal sisimulan ng POC
POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino
STAR/File

MANILA, Philippines — Isasalang ng Pilipinas ang 20 national athletes sa darating na 9th edition ng Asian Winter Games na idaraos sa Harbin, China sa Pebrero 7 hanggang 14.

Ito ang magiging unang hakbang ng mga atleta sa pagpuntirya sa kauna-unahang Winter Olympics medal, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.

“We’ve already accomplished the dream in the Summer Olympics—three gold medals in consecutive games,” wika ni Tolentino kahapon. “And that dream we want to also achieve in the Winter Olympics.”

Hindi pa nananalo ng medalya ang Pinas sa Winter Olympics.

At umaasa si Tolentino na mangyayari ito sa ilalim ng kanyang liderato matapos buhatin ni weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold ng bansa sa Tokyo Games noong 2021.

Kasunod nito ang dalawang gintong medalya na inangkin ni gymnast Carlos Edriel Yulo sa men’s floor exercise at vault events sa 2024 Paris Olympics.

Bukod pa rito ang tig-isang tanso nina Pinay boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas.

“The Winter Olympics are as extremely tough as the Summer Olympics, but we have proven that it could be done,” ani Tolentino.

Kabuuang 64 events ang nakalatag sa Harbin Winter Olympics.

“And our athletes are competing in six of the 11 sports on the Harbin prog­ram,” wika ng POC chief sa national delegation na pamumunuan nina Paolo Borromeo, Aleksandr Korovin, Cathryn Limketkai, Isabella Marie Gamez at a Sofia Lexi Jacqueline Frank sa figure skating.

Sasabak sa curling, ang isa mga most-watched winter sports discipline, sina Marc Angelo Pfister, Enrico Gabriel Pfister, Christian Patrick Haller, Alan Beat Frei, Jessica Pfister, Benjo Delarmente, Kathleen Dubberstein, Leilani Dubberstein, Sheila Mariano at Anne Marie Bonache.

Sina Francis Ceccarelli at Talullah Proulx ang lalahok sa Alpine skiing; habang kasali si Laetaz Amihan Rabe sa freestyle skiing.

Kakampanya si Peter Joseph Groseclose sa short track speed skating at kalahok si Adrian Tongco sa snowboarding.

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with