^

PSN Palaro

Heading bumida sa panalo ng Converge

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Heading bumida sa panalo ng Converge
Lumipad si Bryan Santos ng Converge para sa kanyang layup kontra sa Meralco.
PBA Image

MANILA, Philippines — Masayang ipinagdiwang ng FiberXers ang Araw ng Pasko kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumolekta si Fil-Australian guard Jordan Heading ng 30 points, 8 assists at 6 rebounds para pamunuan ang Converge sa 110-94 pagpapabagsak sa Meralco Bolts sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

May 24 markers at 19 rebounds si import Cheick Diallo para sa ikaapat na sunod na pananalasa ng Converge at ikasa ang 6-2 record.

“I think we’ve done a great job of sharing the scoring load and finding the hot hand,” ani Heading. “And I think that’s what make us difficult to guard it’s because you don’t really know who’s that’s gonna be in each of every night.”

Nag-ambag si 6-foot-9 Justine Baltazar ng 16 points at may 11 si Schonny Winston.

Lagapak ang Meralco sa ikalawang dikit na kabiguan para sa 3-2 baraha.

Kaagad kinuha ng FiberXers ang 22-6 bentahe sa pamumuno ni Heading bago nakadikit ang Bolts sa 20-26 sa pagtiklop ng first quarter tampok ang four-point shot ni Cliff Hodge bago tumunog ang buzzer.

Muling nakalayo ang Converge sa 48-32 sa 4:12 minuto ng second quarter patungo sa paglilista ng 58-41 halftime lead.

Nagtuwang sina import Akil Mitchell at Bong Quinto para ilapit ang Meralco sa 54-62 sa pagbubukas ng third quarter.

Subalit hindi na bumitaw ang FiberXers at mu­ling iniwanan ang Bolts sa 81-62 sa huling 2:35 minuto nito.

“It’s nice when you have a lesson from the last game na hindi kayo nasaktan kasi we had a slow that then and kahit papaano we were able to comeback at nakuha namin iyong win,” ani Converge coach Franco Atienza sa naunang 98-91 panalo sa Barangay Ginebra.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with