Christmas dinner ng Rain or Shine ‘di nasayang

Coach Yeng Guiao

MANILA, Philippines — Bago labanan ang kulelat na Terrafirma ay may inihanda nang Christmas dinner sina Rain or Shine team co-owners Terry Que at Raymond Yu.

Mabuti na lamang at ti­nalo ng Elasto Painters ang Dytip, 124-112, sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup noong nakaraang Linggo sa Philsports Arena sa Pasig City.

“We’re having a Christmas dinner also. So mabuti na lang hindi nasira ‘yung mood namin kung hindi, hin­di kami makakakain nang husto,” wika ni coach Yeng Guiao. “Masarap pa naman ang hinanda nila boss.”

Ang Rain or Shine nga­yon ang pinakamainit na tropa sa elimination round sa hinakot na four-game winning streak para sa 4-1 record.

Nangunguna pa rin ang NorthPorth bitbit ang 6-1 baraa kasunod ang guest team Eastern (6-2) at Converge (5-2) na naglista ng tatlong dikit na ratsada.

Matapos ang huling la­ro bukas ng PBA para sa taong 2024 ay magbabalik ang mga aksyon sa Enero 5 sa Smart Araneta Colise­um.

Sasalang ang Eastern at Meralco sa unang laro sa alas-5 ng hapon kasunod ang salpuklan ng mag-utol na Ginebra at San Miguel sa alas-7:30 ng gabi.

Muli namang maglalaro ang Elasto Painters sa Ene­ro 8 katapat ang Blackwater Bossing sa Philsports Arena.

“It was good to win four straight games before Christmas, before the New Year,” dagdag ni Guiao.

Samantala, maghaha­rap bukas sa Araw ng Pas­­ko ang Gin Kings at Mag­nolia Hotshots sa alas-7:30 ng gabi matapos ang upakan ng FiberXers at Bolts sa alas-5 ng hapon sa Big Dome.

Show comments