Clarkson, 2 pa pinagmulta ng NBA

Jordan Clarkson of the Utah Jazz.

NEW YORK — Pinagmula ng NBA sina Fil-Am guard Jordan Clarkson ng Utah Jazz at Ron Holland II at Paul Reed ng Detroit Pistons dahil sa on-court altercation.

Sa kanilang laro noong Huwebes ay tinawagan sina Clarkson at Holland ng technical fouls at ejections, ha­bang may isang technical foul si Reed sa third quarter kung saan tinalo ng Jazz ang Pistons, 126-119.

Pinagbayad si Clarkson ng $35,000 dahil sa pagpa­painit sa on-court altercation at pagbato ng kanyang headband sa stands matapos mapatalsik sa laro.

Si Holland ay pinagmulta ng $25,000, samantalang $15,000 naman para kay Reed.

Kumamada si Clarkson ng mga averages na 15.1 points, 3.8 assists at 3.3 rebounds para sa Utah na na­­kapuwesto sa No. 14 place sa Western Conference hawak ang 6-20 kartada.

Ang 19-anyos namang si Holland ay may mga ave­­rages na 6.3 points at 3.1 rebounds para sa Detroit.

Show comments