Clarkson, 2 pa pinagmulta ng NBA
NEW YORK — Pinagmula ng NBA sina Fil-Am guard Jordan Clarkson ng Utah Jazz at Ron Holland II at Paul Reed ng Detroit Pistons dahil sa on-court altercation.
Sa kanilang laro noong Huwebes ay tinawagan sina Clarkson at Holland ng technical fouls at ejections, habang may isang technical foul si Reed sa third quarter kung saan tinalo ng Jazz ang Pistons, 126-119.
Pinagbayad si Clarkson ng $35,000 dahil sa pagpapainit sa on-court altercation at pagbato ng kanyang headband sa stands matapos mapatalsik sa laro.
Si Holland ay pinagmulta ng $25,000, samantalang $15,000 naman para kay Reed.
Kumamada si Clarkson ng mga averages na 15.1 points, 3.8 assists at 3.3 rebounds para sa Utah na nakapuwesto sa No. 14 place sa Western Conference hawak ang 6-20 kartada.
Ang 19-anyos namang si Holland ay may mga averages na 6.3 points at 3.1 rebounds para sa Detroit.
- Latest