GAB ni-revoke ang lisensya ni John ‘Wick’ Amores

John Amores
STAR/ File

MANILA, Philippines — Posibleng tapos na ang basketball career ng kon­trobersyal na si r John ‘Wick’ Amores.

Ito ay matapos kanse­lahin ng Games and Amuse­ments Board (GAB) ang lisensya ng NorthPort guard na nagbaba­wal sa kanyang muling mag­laro sa PBA at sa ibang professional leagues sa bansa.

Nakumpleto ng GAB ang kanilang imbestigas­yon kay Amores at sa utol nitong si John Red sa pagkakasangkot sa isang shooting incident sa Lumban, Laguna noong Set­­yembre.

Ang pamamaril ni Amo­res, produkto ng Jose Ri­zal Heavy Bombers sa NCAA, ay nagmula sa hin­­­di nabayarang P4,000 pusta sa isang laro.

“The respondent’s license is revoked effective im­mediately,” pahayag ng government regulatory bo­­dy para sa professional sports sa kanilang memo na pirmado ni chairman Fran­cisco Rivera.

“Accordingly, the res­pon­dent is no longer allowed to participate in any pro­fessional basketball game sanctioned by the board.”

Nauna nang sinuspinde ng PBA ang 24-anyos na si Amores sa kabuuan ng kasalukuyang Season 49 Commissioner’s Cup nang walang suweldo.

Inutusan din ng PBA si Amores na sumailalim sa counselling para sa kan­yang ‘anger and violent ten­­dencies.’

Unang naging kontro­ber­­syal si Amores sa NCAA Season 98 sa laro ng Jose Rizal nang sugurin ang bench ng College of St. Benilde at sapakin ang mga nakasalubong na Bla­zers players.

Sinibak siya sa Heavy Bombers lineup.

Show comments