MANILA, Philippines — Dumayo ang Creamline Cool Smashers sa Canada upang magsagawa ng volleyball clinics sa mga kabataang volleyball players.
Iang serye ng special skills camp ang isinagawa ng Premier Volleyball League (PVL) reigning champions kasama ang mga players ng Cool Smashers.
Maliban sa camps ay sumalang din ang Cool Smashers sa exhibition game laban sa isang Canadian club kung saan naglaro rin si dating De La Salle University standout Tin Tiamzon.
Dating naglalaro si Tiamzon sa Philippine Superliga kasama ang F2 Logistics Cargo Movers.
Ngunit nagdesisyon itong magretiro noong 2022.
Nagtungo ito sa Vancouver, Canada kung saan ito nagtrabaho.
Matapos ang Canada trip ay balik sa Pilipinas ang Cool Smashers upang ipagpatuloy ang kampanya nito sa PVL All-Filipino Conference.
Kasalukuyang hawak ng Creamline ang malinis na 4-0 rekord.
Sa pagbabalik aksiyon ng PVL ay makakaharap ng Cool Smashers ang Capital1 Solar Spikers sa Enero 21.
Sa ngayon ay pahinga muna ang Cool Smashers upang makasama ang kani-kaniyang pamilya sa pagdiriwang ng Pasko.
May post pa si Creamline team captain Alyssa Valdez na nagpa-facial ito sa isang sikat na beauty clinic ilang araw bago ang Pasko.
Nakasama ni Valdez ang kaniyang mga magulang sa bakasyon.
‘Exploring the world with my parents is the most amazing gift,” ani Valdez.