^

PSN Palaro

SMB nilasing ang Blackwater

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
SMB nilasing ang Blackwater
Kinuyog nina June Mar Fajardo at import Torren Jones ng SMB si Blackwater reinforcement George King.
PBA Image

MANILA, Philippines — Bagama’t masama ang pakiramdam ay tumapos pa rin si June Mar Fajardo ng halos triple-double.

Kumolekta ang eight-time PBA MVP ng 27 points, 22 rebounds at 6 assists para gabayan ang nagdedepensang San Miguel sa 115-102 paggupo sa Blackwater sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ang back-to-back wins ng Beermen ang nagbigay sa kanila ng 3-2 kartada.

“Kailangan i-push mo iyong sarili mo. Gusto na­­ming manalo eh, kasi kapag natalo kami mahirap na,” wika ng 35-anyos na si Fajardo. “Collective effort ng team kaya nakuha namin iyong panalo.”

Umiskor si import Torren Jones ng 29 markers habang may 15, 14 at 11 points sina CJ Perez, Jericho Cruz at Don Trollano, ayon sa pagkakasunod.

Nagsalpak si import George King ng 40 points para sa Bossing na nahulog sa 1-4 marka at bigong masundan ang naunang 114-98 panalo sa Meralco Bolts.

Bagama’t dehado sa duwelo ay ilang beses pa ring nakatabla ang Blackwater na huling naghamon sa 98-106 mula sa three-point shot ni RK Ilagan sa 3:02 minuto ng fourth quarter.

Ngunit bumanat si Fajardo ng anim na puntos bukod sa basket ni Jones para muling ilayo ang San Miguel sa 113-98 sa huling 1:29 minuto ng laro.

“I’m not yet so happy kasi iyong turnover namin mataas eh. And then a little bit of scrappy in the first quarter,” ani coach Leo Austria sa Beermen. “But kahit ano pang sama ng laro, a win is a win.”

MAR FAJARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with