Lakers pinulutan ng Wolves
MINNEAPOLIS — Nagsalpak si Anthony Edwards ng 23 points para banderahan ang Minnesota Timberwolves sa 97-87 pagpapabagsak sa Los Angeles Lakers.
May 21 markers si Julius Randle kasunod ang 18 points ni Jaden McDaniels para sa pang-limang panalo ng Timberwolves (13-11) sa huling anim na laro.
Pinamunuan ni Anthony Davis ang Lakers (13-12) sa kanyang 23 points at 11 rebounds habang may 18 at 15 markers sina Austin Reaves at Max Christie, ayon sa pagkakasunod.
Hindi naglaro si LeBron James sa ikalawang sunod na pagkakataon dahil sa kanyang left foot soreness at hindi sumama sa Los Angeles team dahil sa “personal reasons.”
Ang layup ni McDaniels ang naglayo sa Minnesota sa 89-82 sa huling 2:03 minuto ng fourth quarter patungo sa kanilang panalo.
Sa Salt Lake City, bumira si Devin Booker ng 34 points at may 30 markers si Kevin Durant sa 134-126 paggupo ng Phoenix Suns (13-11) sa Utah Jazz (5-19).
Sa Cleveland, umiskor si Darius Garland ng 24 points at kumolekta si Jarrett Allen ng 21 points at 11 rebounds sa 115-105 panalo ng NBA-leading Cavaliers (22-4) sa Washington Wizards (3-20).
Sa Denver, umiskor si Jamal Murray ng game-high 20 points sa 120-98 pagpapatumba ng Nuggets (13-10) sa LA Clippers (14-12).
- Latest