^

PSN Palaro

Beermen inihulog ang Dyip sa 0-5

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Panalo ang ibinigay ng San Miguel sa nagbabalik na si coach Leo Austria ma­­tapos paluhurin ang Terrafirma, 106-88, sa Season 49 PBA Commisioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aqui­no Stadium sa Malate, Manila.

Itinaas ng Beermen ang kanilang baraha sa 2-2 tampok ang pagpaparada kay bagong import Torren Jones na pumalit kay Quincy Miller.

Umiskor ang 6-foot-9 na si Jones ng 24 points, ha­bang humakot si eight-time PBA MVP June Mar Fa­jardo ng 21 points, 19 re­bounds at 7 assists.

Nagdagdag si CJ Perez ng 16 markers at may 12 at 10 points sina Juami Tiongson at Don Trollano, ayon sa pagkakasunod.

Sa pagbabalik naman ni Austria sa top post ay ini­lagay si dating mentor Joge Gallent bilang team consultant.

Sa Christmas Party lamang ng SMB Corporation inihayag ang pagluluklok kay Austria.

“Hindi ako nakatulog be­cause there’s a lot of pres­sure,” wika ni Austria sa pagsagip sa kampanya ng tropa. “In the PBA you cannot take teams lightly eh. Lahat competitive eh.”

Bagsak naman ang Dyip sa 0-5 marka at na­kaku­ha kay import Brandon Ed­wards ng 18 points at may 14 markers si rookie Mark Nonoy.

Isinara ng San Miguel ang first period tangan ang 47-39 bentahe patungo sa 52-41 paglayo sa third period.

Hindi naman bumitaw ang Terrafirma at nakadi­kit sa 64-65 sa 3:01 minuto nito mula sa three-point shot ni Stanley Pringle.

Iyon na ang huling pagkakataon na nakalapit ang Dyip.

Mula sa 73-66 third quarter lead ay umarangka­da ang Beermen para ilista ang 20-point lead, 94-74, sa 5:56 minuto ng laro.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with