^

PSN Palaro

Tatapusin na ng UP

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Tatapusin na ng UP
Muling nanalo ang Figh­ting Maroons sa Game 1 ng payukuin nila ang defending champion De La Salle University, 73-65 noong Linggo sa UAAP Season 87 men’s basketball finals na nilaro sa Smart Araneta Coliseum.

MANILA, Philippines — Dalawang sunod na taon na naudlot ang University of the Philippines na masilo ang korona kahit nanalo sila pareho sa Game 1 ng kanilang best-of-three series.

Muling nanalo ang Figh­ting Maroons sa Game 1 ng payukuin nila ang defending champion De La Salle University, 73-65 noong Linggo sa UAAP Season 87 men’s basketball finals na nilaro sa Smart Araneta Coliseum.

At sa pagkakataong ito, ayaw ni JD Cagulangan na maulit muli ang dalawang masaklap na nangyari sa kanila sa huling dalawang seasons pagharap ng UP sa DLSU sa Game 2 nga­yong alas-5:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“Gagawin ko yung lahat and hope manalo kami,” ani Cagulangan na kumana ng 13 puntos sa panalo nila kontra Green Archers.

Ayon kay Cagulangan, pinaghandaan na rin nila ang gagawin na adjustments sa Game 2 dahil tiyak na ganoon din ang ginagawa ng Green Archers.

“Di naman natatapos yung series sa Game 1 lang, so babalik kami, mag-eensayo kami, and of course mag-aadjust yung DLSU sa kung anong ginagawa namin. So ayun, lagi lang kaming ready kung anong challenges na mahaharap namin sa Game 2.” ani Cagulangan.

Hindi makakalimutan ng Katipunan-based squad ang Seasons 85 at 86 finals matapos manalo sa Game 1 ay nalugmok sila sa sumunod na laro laban sa A­teneo de Manila University at La Salle, ayon sa pagkakasunod.

Maliban kay Cagula­ngan huhugot din ng lakas ang Fighting Maroons kina Quentin Millora-Brown, Francis Lopez at Gerry Abadiano para tapusin ang serye at masikwat ang inaasam na titulo.

Samantala, asahang magiging mabalasik ang Green Archers dahil nais nilang pahabain ang series sa tatlo at maulit ang magandang nangyari sa kanila noong nakaraang taon.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with