Kai Sotto pwede na sa NBA--Cone
MANILA, Philippines — Ready na si Kai Sotto para maglaro sa NBA.
Ito ang paniniwala ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone matapos ang magandang inilaro ng 7-foot-3 slotman sa FIBA Asia Cup Qualifiers.
Personal na nasaksihan ni Cone ang malaking improvement sa paglalaro ni Sotto sa kanilang training camp kasama ang Gilas Pilipinas.
“We still think collectively as a group, talking about the players and coaching staff, he needs and should be in the NBA, that’s just on top of our minds,” ani Cone sa programang Power and Play.
Bilib si Cone sa kakayahan ni Sotto dahil mayroon itong skills na puwedeng puwede na sa NBA.
“Oftentimes it’s an opportunity. Oftentimes, it’s the system and how he’s used, where he can fit, but on a skill level, there’s no doubt he can play in the NBA,” ani Cone.
Kaya ni Sotto na maglaro sa ibang posisyon na nagawa nito sa mga nakalipas na laro ng Gilas. Solido ang inilaro nitosa FIBA Asia Cup Qualifiers.
Nagtala ito ng averages na 15.5 points, 12.5 rebounds at 3.8 assists sa apat na laro nito sa Gilas Pilipinas.
- Latest