^

PSN Palaro

Mojdeh magpapasiklab sa juniors

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh magpapasiklab sa juniors
Micaela Jasmine Moj­deh.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nais ni World Cup fi­na­list na magkaroon ng magandang exit sa kaniyang huling international tournaments sa juniors di­vision.

Kaya naman ibubuhos nito ang lahat ng kaniyang lakas upang makahirit ng gintong medalya sa 46th Southeast Asian Age Group Swimming Championships na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

“This will be my final SEA Age. I’m incredibly ho­nored to represent our country one last time in this meet,” ani Mojdeh.

Isa si Mojdeh sa 12 tan­kers na ipinadala ng Phi­lippine Aquatics Inc. sa SEA Age Group Swimming Championships.

Kasama nito sina Shania Joy Baraquiel, Sophia Garra, Riannah Chantelle Coleman, Maxene Uy at Liv Abigail Florendo sa girls’ division.

Hahataw naman sa boys’ division sina Jamesray Ajido, Jan Mikos Trinidad, Peter Dean, Jaydison Da­cuycuy at Ivo Enot.

Kamakailan lamang ay galing si Mojdeh sa ma­tagumpay na kampanya sa 2024 World Aquatics Swimming World Cup na ginanap sa South Korea at Singapore.

Matatandaang umabot sa finals si Mojdeh sa wo­men’s 200m butterfly kung saan nagtala ito ng da­la­wang minuto at 16.58 se­gundo sa second leg ng World Cup sa Singapore.

Maliban sa World Cup, nasilayan na rin ito ng da­lawang beses sa World Ju­niors Championships ka­bilang na ang pag-entra nito sa semifinals noong 2022 edisyon sa Lima, Peru.

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with