Bucks sinuwag ang NBA Cup quarters ticket
DETROIT — Bumira si Giannis Antetokounmpo ng 28 points at may 27 markers si Damian Lillard sa 128-107 pagsuwag ng Milwaukee Bucks sa Pistons papasok sa NBA Cup quarterfinals.
Nagtala ang Milwaukee ng 4-0 record sa East Group B at inilista ang pang-pitong sunod na panalo sa kabuuan.
Sibak naman ang Detroit sa NBA Cup mula sa kanilang 3-1 marka.
Pinamunuan ni Cade Cunningham ang Pistons sa kanyang 23 points at may 16, 15 at 11 markers sina Tobias Harris, Tim Hardaway at Jalen Duren, ayon sa pagkakasunod.
Kinuha ng Bucks ang 36-31 abante sa first period bago nakalayo sa 78-59 sa halftime na hindi na nila binitiwan.
Sa Cleveland, umiskor sina Donovan Mitchell at Evan Mobley ng tig-19 points sa 118-87 panalo ng Cavaliers (19-3) sa Wa-shington Wizards (2-17).
Sa New York, naglista si Karl Anthony-Towns ng 23 points at 15 boards sa 121-106 pagpapatumba ng Knicks (13-8) sa Orlando Magic (15-8).
Sa Salt Lake City, bumanat si Jalen Williams ng 28 points sa 133-106 pagbugbog ng Oklahoma City Thunder (16-5) sa Utah Jazz (4-17).
- Latest