^

PSN Palaro

Cignal sososyo sa liderato vs Choco Mucho

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cignal sososyo sa liderato vs Choco Mucho
Lalabanan ng HD Spi­kers ang Flying Titans ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang banatan ng ZUS Coffee Thunderbelles at Galeries Tower Highrisers sa alas-4 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
PVL image

MANILA, Philippines — Ang pagsosyo sa liderato ang pakay ng Cignal HD sa pagsagupa sa mainit na Choco Mucho sa 2024-24 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Lalabanan ng HD Spi­kers ang Flying Titans ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang banatan ng ZUS Coffee Thunderbelles at Galeries Tower Highrisers sa alas-4 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nasa itaas ng team standings ang PLDT Home Fibr tangan ang 3-0 baraha kasunod ang Cignal (2-0), nagdedepensang Creamline (2-0), Petro Gazz (2-1), Akari (2-1), Chery Tiggo (2-1), Choco Mucho (2-1), ZUS Coffee (1-1), Farm Fresh (0-2), Nxled (0-3), Capital1 Solar Energy (0-3) at Galeries Tower (0-3).

Magkasunod na pi-nadapa ng HD Spikers ang Foxies, 25-15, 25-18, 25-21, at ang Crossovers, 25-19, 20-25, 25-18, 25-21.

Sa kabila nito ay marami pang bagay na dapat ayusin ang tropa ni Cignal coach Shaq delos Santos.

“Iyong level talaga namin, dapat mas gumalaw pa nang maayos, mas maging consistent, and ‘yung mindset talaga na kapag nandiyan ka sa loob ng court, ilaban mo hanggang dulo,” ani Delos Santos.

Matapos naman ang kabiguan sa Petro Gazz ay isa-isang pinatumba ng Choco Mucho ang Galeries Tower at Capital1.

“Every time na nasa loob kami ng court, dapat tatrabahuhin namin, hindi kami bibigay nang basta-basta,” wika ni mentor Dante Alinsunurin.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with