^

PSN Palaro

KAI SOTTO

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Getting older and wiser. Ang nagkakalaman na. Dehins na patpatin.

‘Yan si Kai Sotto.

Kaya sa tingin ng iba, gaya ni Justin Brownlee, buhay pa ang pag-asa ni Kai na makapaglaro sa NBA.

On display ang improvement ni Kai sa 93-89 na panalo ng Gilas Pilipinas sa New Zealand ‘nung Thursday sa MOA Arena.

FIBA Asia Cup Qualifiers ‘yun at kung manalo kontra Hong Kong mamaya, pasok tayo sa 2025 na event sa Jeddah.

Sabi ng iba, ang kailangan lang gawin ng Gilas para talunin ang Hong Kong eh sumipot sa venue.

In short, final score na lang ang kailangan determine.

Back to Kai, nag-deliver ang 22-year-old ng 19 points, 10 rebounds at seven assists sa unang panalo natin ever kontra New Zealand.

All-around ang skills ni Kai, na nabigo sa 2022 NBA Draft. Walang kumuha sa kanya. Kung may draft bukas, ewan ko kung ‘ganun pa din ang resulta.

Ang ibig ko lang sabihin, baka peaking pa lang ang 7-foot-3 na si Kai. At baka in the coming days, makatanggap na lang siya ng tawag mula sa isang NBA team.

“Hello, is this Kai?”

Kelan kaya darating ‘yung araw na ‘yun?

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with