Fighting Maroons diniskaril ang Red Warriors

MANILA, Philippines — Sinalto ng University of the Philippines ang asam ng University of the East na umusad sa semifinals ma­tapos ilista ang 77-67 panalo sa UAAP Season 87 men’s basketball kaha­pon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Kahit pasok na sa Final Four ang Fighting Maroons ay nakitaan pa rin sila ng tikas para ilista ang 11-3 karta at upuan ang second spot sa team standings.

Kinapitan ng Season 86 runner-up ang opensa ni Harold Alarcon na nagtala ng 33 points upang ilaglag ang Red Warriors sa 6-8.

Nasa pang-apat ang UE at kailangan nilang hintayin ang resulta ng laro ng Adamson University at Ate­neo sa Sabado.

Kapag nanalo ang Soa­ring Falcons sa Blue Eagles ay magkakaroon ng playoff para sa No. 4 kontra sa Red Warriors.

Kinuha ng UE ang first period, 21-15, bago nag-init ang UP para maagaw ang 41-37 halftime lead.

Sinabayan ng Fighting Maroons ang Red Warriors sa third canto upang manatili ang 55-52 kalamangan patungo sa 74-63 matapos isalpak ni Alarcon ang dalawang free throws sa huling 33.8 segundo.

Show comments