^

PSN Palaro

Puwesto sa national juniors cycling team sa Asian championship nakataya sa BP

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Hindi lamang gold medal ang pag-aagawan sa 16-17 years old category sa road cycling competitions ng 2024 Batang Pinoy sa Puerto Princesa City, Palawan.

Nakataya rin sa kompetisyon ang silya para sa national junior team na isasabak sa 31st Asian Junior Road Cycling Championships sa Thailand sa Pebrero ng 2025.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) at PhilCycling president Abraham “Bambol” Tolentino.

Isang puwesto sa national junior team para sa boys at girls class sa individual time trial (ITT) at individual road race (IRR o massed start) sa Asian championships ang paglalabanan sa Batang Pinoy.

Ang mga parents o guardians ng mga kalahok sa Batang Pinoy cycling ay pinapayuhang kumuha ng passport ng mga bata para sa registration matapos aprubahan ng Evaluation Committee na binuo ng PhilCycling para sa Asian championships Criterium na wala sa Asian championships program.

Samantala, nakatakda ang 2025 Asian championships sa Pebrero 7-16 sa Thailand na inorganisa ng Asian Cycling Confederation kasama ang 44th championships para sa elite at under-23 at ang 13th para championships.

Papadyak naman ang 2025 National Championships for Road sa Pebrero 24 hanggang 28 sa Tagaytay City at sa Ternate at Maragondon, Cavite.

Ang  ITT events ay sa Nobyembre 26 at gagawin ang IRR sa Nobyembre 27 kung saan idaraos ang start at fi­nish line sa loob ng Iwahig Penal Colony o ang tinatawag na “Prison Without Walls.”

IRR

ITT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with