^

PSN Palaro

Quezon, Bacoor ikakasa ang Finals showdown

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Misyon ng top seeds Quezon Tangerines at Bacoor Strikers na maitakda ang kanilang titular showdown sa pagsagupa sa Rizal St. Gerrard Charity Foundation at Biñan Tatak Gel 1-Pacman Partylist sa 2024 Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) semifinals.

Lalabanan ng No. 1 Tangerines ang No. 4 Rizal ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng No. 2 Strikers at No.3 Volley Angels sa alas-4 ng hapon sa Bacoor Strike Gym sa Cavite.

Parehong may bitbit na ‘twice-to-beat advantage ang Quezon at Bacoor kontra sa Rizal at Biñan, ayon sa pagkakasunod.

Bumandera ang Tangerines at Strikers sa two-round eliminations at hangad maplantsa ang kanilang best-of-three title series para sa korona ng MPVA na itinatag ni dating Senator at MPBL chairman Manny Pacquiao.

Tinalo ng Tangerines ang Rizal, 25-21, 25-20, 25-23 at 25-14, 27-29, 25-19, 25-14, sa dalawang beses nilang pagtutuos.

May 2-0 record din ang Bacoor (12-4) laban sa Biñan (11-5) sa MPVA na suportado ng Extreme One-Stop Shop Applian­ces, ASICS, Mikasa at Gerflor kasama ang MPTV at Outcomm bilang broadcast partners.

FINALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with