^

PSN Palaro

Blue Eagles lumapag sa 5th place sa Shakey’s volley

Philstar.com
Blue Eagles lumapag sa 5th place sa Shakey’s volley
Iniskoran ni Lyann De Guzman ng Ateneo sina Mykah Go at Kai Llesses ng College of Saint Benilde.
SSL Photo

MANILA, Philippines -- Sinelyuhan ng Ateneo de Manila University ang classification round campaign matapos ilista ang 26-24, 25-16, 21-25, 25-23, panalo kontra College of Saint Benilde at sikwatin ang fifth place finish sa 2024 Shakey’s Super League collegiate pre-season championship na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum, kahapon.

Ipinakita ni Lyann De Guzman ang kanyang tikas matapos umiskor ng game-high 20 points habang nagsilbing bida si Geezel Tsunashima sa closing stretch sa fourth set matapos isalpak ang huling dalawang puntos ng Blue Eagles tungo sa panalo.

Tumapos din ang Blue Eagles sa fifth sa inaugural edition may dalawang taon na ang nakalipas.
Kumana si De Guzman ng pitong puntos sa fourth frame, pumalo siya ng 19 attack points sa tournament na katuwang ang Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea, Grab Philippines, at Summit Water.

Bumakas si middle blocker AC Miner ng 13 mar­kers para sa Ateneo na dinomina ang reigning NCAA champions Lady Blazers sa spikes, 64-48, nagtala naman si Tsunashima ng nine points lahat galing sa kills.

“Sabi ko sa kanila ‘wag masyadong relax kasi nakikita ko na hindi ito ‘yung laro namin kapag nagti-training kami. Sabi ko lang ilaban lang nila, nandito kami magtutulungan para sa isa’t isa,” ani De Guzman.

Naghabol ang Blue Eagles sa fourth set, lamang ng dalawa ang Lady Blazers, 18-20 bago pumalo ang una ng 5-2 run para maagaw ang bentahe 23-22.

Naitabla pa ng Saint Benilde ang iskor mula sa puntos ni opposite hitter Clydel Catarig pero hindi na ito pinaporma ng Ateneo, kumana si Tsunashima ng dalawang sunod na puntos kasama ang crosscourt kill.

Samantala, winalis ng UE ang University of the Philippines, 25-20, 25-22, 26-24, para puwestuhan ang seventh place finish sa event na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Liner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), at SM Tickets bilang technical partners. -- Nilda Moreno

ATENEO BLUE EAGLES

SSL

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with