^

PSN Palaro

5th place pag-aagawan ng CSB at Ateneo

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
5th place pag-aagawan ng CSB at Ateneo
Nagtala ng magkahiwalay panalo sa unang classification, maglalaban ang Lady Blazers at Blue Eagles ngayong sa alas-6 ng gabi matapos ang bak­bakan ng University of the East Lady Warriors at University of the Philippines Lady Maroons sa alas-3:30 ng hapon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Magtutuos ang College of St. Benilde at Ateneo de Manila University sa classi­fication match ng battle for fifth sa 2024 Shakey’s Super League collegiate pre-season championship na lalaruin sa Rizal Memorial Coliseum.

Nagtala ng magkahiwalay panalo sa unang classification, maglalaban ang Lady Blazers at Blue Eagles ngayong sa alas-6 ng gabi matapos ang bak­bakan ng University of the East Lady Warriors at University of the Philippines Lady Maroons sa alas-3:30 ng hapon.

Tanging ang St. Benilde lamang ang NCAA team na nakapasok sa playoffs at pa­kay nilang idagdag ang Ateneo sa listahan ng mga tinalo nilang UAAP squads.

Unang tinalo ng CSB ang Adamson University sa first round kasunod ang pagwalis sa UP sa classification round opener noong Nobyembre 6.

“Every game gusto lang na­min na maging maayos ang game namin and lalaban lang kami as much as possible,” wika ni veteran winger Mycah Go sa Lady Blazers, ang reigning ‘three-peat’ NCAA champions.

Kinaldag naman ng Ate­neo ang UE, 25-21, 25-17, 25-22, sa unang classification round pairing ng SSL na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Liner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC) at SM Tickets bilang technical partners.

Samantala, ang best-of-three finals sa pagitan ng ‘three-peat-seeking’ National University at De La Salle University ay papalo sa Nobyembre 22, ha­bang magkakalusan ang University of Santo Tomas at Far Eastern University sa winner-take-all battle for bronze.

BENILDE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with