^

PSN Palaro

Altas sinibak ng Stags

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinama ng San Sebastian College-Recoletos sa bakasyon ang University of Perpetual Help System DALTA matapos ang 83-72 panalo sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Tumipa si Tristan Felebrico ng 18 points, 7 rebounds at 3 assists para ibigay sa Stags ang 5-11 record.

Nagdagdag si Regz Gubat ng 15 points habang may 14 at 12 markers sina Raymart Escobido at Paeng Are, ayon sa pagka­kasunod.

Inilista ng Perpetual ang 11-point lead, 21-10, sa first period bago nakabawi ang San Sebastian at inagaw ang 29-25 bentahe patu­ngo sa 41-31 halftime lead.

Lalo pa itong pinalobo ng Stags sa 54-35 mula sa three-point shot ni Are sa 5:10 minuto ng third quarter hanggang ibaon ang Altas sa final canto.

Samantala, pinalakas ng Emilio Aguinaldo College ang tsansa sa Final Four matapos talunin ang Arellano University, 69-59.

Umangat sa 8-8 ang  baraha ng Generals, lag­lag naman ang Chiefs sa 6-10 marka.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with