^

PSN Palaro

Mr. Charity

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Sa pagkapanalo ni Rondae Hollis-Jefferson ng Best Import award sa PBA Governors’ Cup, tumanggap din siya ng premyong P50,000.

Pero imbes na ibulsa or gastusin sa shopping or good time, mas maganda ang naisip ng six-year NBA veteran.

Binigay niya ang pera sa charity – ang Alagang Kapatid Foundation na tumanggap din ng P2 million mula sa PBA representing the gate receipts ng Game 1 ng finals.

‘Yun ang donation ng PBA para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Then separate donation ‘yung galing sa TNT import na tumalo kay Justin Brownlee ng Ginebra para sa award.

Second Best Import award na ni RHJ ito sa PBA at malamang, it won’t be the last. Bata pa si RHJ, 29 lang, compared kay Brownlee na 36.

Kaya kung magpapa­tuloy siya sa PBA career, tiyak na masusundan pa ang dalawang Best Import awards niya.

Naka-anim na taon si RHJ sa NBA at naglaro para sa Brooklyn, Toronto at Portland. Based on record, kumita siya ng mahigit $9 million sa NBA or halos kalahating bil­yong piso.

In 305 games, 154 times siya starting five. Ganun kagaling si RHJ.

Ganun din kaganda ang ugali.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with