^

PSN Palaro

Final Four nbonus tanaw na ng Blazers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lalo pang pinatibay ng College of St. Benilde ang tsansa sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four.

Ito ay matapos gibain ng Blazers ang Letran Knights, 83-78, para sa kanilang pang-pitong sunod na panalo sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Nagposte si center Allen Liwag ng 20 markers  habang kumolekta si Justine Sanchez ng 16 points, 6 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa 13-2 record ng St. Benilde at patuloy na solohin ang liderato.

Nahulog naman ang Letran sa fifth spot sa kanilang 7-9 marka.

Itinayo ng Blazers ang 47-37 halftime bago tulu­yang ibaon ang Knights sa 78-68 sa huling dalawang minuto ng fourth quarter.

Binanderahan ni Pao Javillonar ang Letran sa kanyang game-high 31 points kasunod ang 13 markers ni Jimboy Estrada.

Sa unang laro, binuhay ng Lyceum of the Philippines University ang pag-asa sa Final Four nang sibakin ang Jose Rizal University, 82-80.

Umiskor si John Barba ng 20 points para sa 8-8 kartada ng Pirates.

Bagsak ang Heavy Bombers sa 4-12 at kasamang napatalsik ang San Sebastian Stags na may 4-11 marka.

BENILDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with