^

PSN Palaro

La Salle waiting na sa Finals ng Shakey’s volley

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumaan sa butas ng karayom ang De La Salle University bago kinahon ang finals ticket nang kalusin nila sa limang sets ang University of Santo Tomas, 26-28, 25-19, 25-20, 21-25, 15-13 sa knockout semifinals ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Championship na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum Miyerkules ng gabi.

Sinandalan ng Lady Spikers sina Shevana Laput at Angel Canino sa bandang dulo ng labanan sa fifth set para kalusin ang Golden Tigresses at manatiling malinis ang karta simula pa sa first round ng Group stage.

Haharapin ng Taft-based squad sa Finals ang mananalo sa isang se­mifinals match sa pagitan ng National University at  Far Eastern University sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Best-of-three ang format ng bakbakan sa finals na magsisimula sa Nob­yembre 22 sa event na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Liner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), at SM Tickets bilang technical partners.

Umiskor ang 2023 National Invitationals MVP na si Laput ng 19 points kung saan ay apat ang inambag niya sa deciding frame kasama ang back-to-back hits para sa Lady Spikers.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with