^

PM Sports

Red Lions sumikwat ng playoff

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumiyak ng playoff para sa ikatlong Final Four berth ang nagdedepensang San Beda University matapos bawian ang Emilio Aguinaldo College, 89-59, sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Bumanat si Emman Tagle ng 20 points tampok ang limang three-point shots para sa 10-5 record ng Red Lions at patuloy na solohin ang third spot.

Nagdagdag si Bismark Lina ng 18 markers at may 14 points si Yutien Andrada para ilapit ang defending champions sa inaasam na Final Four ticket.

Bagsak ang Gene­rals sa 7-8 marka para sa three-team logjam sa fourth place kasosyo ang Letran Knights at Lyceum Pirates.

Niresbakan ng San Beda ang EAC na tumalo sa kanila sa first round.

“Tingin ko lang ang difference sa last game namin sa EAC ay ‘yung focus namin and energy namin to execute the game plan,” ani coach Yuri Escueta. “Hats off to our guys for being able to execute.”

Maagang kumawala ang Red Lions nang kunin ang 48-29 halftime lead tampok ang 17 points ni Tagle patungo sa pagbaon sa Generals sa third quarter, 66-35.

Mula rito ay hindi na pinadikit ng San Beda ang EAC na nakahugot ng tig-10 points kina King Gurtiza at Harvey Pagsanjan.

Sa ikalawang laro, dumiretso ang Mapua University sa ikaanim na sunod na ratsada matapos talunin ang University of Perpetual Help System DALTA, 71-57.

Lumapit ang Cardinals (12-3) sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four.

Laglag ang Altas (6-10) sa ikalawang dikit na kabiguan.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with