Mavs sumandal kay Doncic kontra sa Magic
DALLAS — Nagsalansan si Luka Doncic ng 32 points, 9 rebounds at 7 assists, habang nagdagdag si Daniel Gafford ng season-high 18 points sa 108-85 pagbugbog ng Mavericks sa Orlando Magic.
Umiskor si Kyrie Irving ng 17 points at humakot si center Dereck Lively II ng 11 points at 11 rebounds para sa Dallas (4-2).
Naglaro ang Orlando (3-4) na wala si injured Paolo Banchero, ang No. 1 overall pick noong 2022 draft at 2023 Rookie of the Year, na may torn right oblique.
Bumanat ang Mavericks, ang defending Western Conference champions, ng 30-9 atake sa unang 9:30 minuto ng second quarter para kunin ang 65-40 halftime lead.
Mula rito ay hindi na nakabangon pa ang Magic na nabaon pa sa 33-point deficit.
Pinamunuan ni Franz Wagner ang Orlando sa kanyang 13 points.
Sa New Orleans, tumipa si Jalen Johnson ng 29 points at tinapos ng Atlanta Hawks (3-4) ang isang four-game losing skid sa pamamagitan ng 126-111 paggupo sa Pelicans (3-4)
Nag-ambag si Trae Young ng 23 markers at may 16 points si Dyson Daniels para sa Hawks.
Sa New York, kumamada si Cade Cunningham ng 19 points para gabayan ang Detroit Pistons (2-5) sa 106-92 pagdaig sa Brooklyn Nets (3-4).
- Latest