^

PSN Palaro

Mojdeh pasok na naman sa World Cup Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh pasok na naman sa World Cup Finals
Micaela Jasmine Mojdeh
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Sa ikalawang pagkakataon, masisilayan sa finals si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa 2024 World Aquatics Swimming World Cup third leg na ginaganap sa Singapore.

Muling aarriba sa finals si Mojdeh sa pagkakataong ito sa women’s 400m Individual Medley kung saan makikipagsabayan ito sa mahuhusay na tankers sa mundo.

Kabilang sa mga makakasabay ni Mojdeh sa finals si Katie Grimes ng Amerika na silver medalist sa 2024 Paris Olympics gayundin sina Mary Sophie Harvey ng Canada at Tara Kinder ng Australia.

Pasok din sa finals sina WakaKobori ng Japan, Yiyan Victoria Lim ng Singapore, Nikolera Trnikova ng Slovakia at Apple Jean Gwinn ng Chinese-Taipei.

Nagpasya si Mojdeh na hindi na sumalang sa 50m butterfly at 100m breaststroke events upang maisentro ang kanyang a­ten­siyon sa 400m IM finals.

“Unfortunately, I had to scratch the 50 fly and 100 breaststroke heats to focus on the IM,” ani Mojdeh na incoming freshman sa University of Southern California sa Los Angeles.

Aminado si Mojdeh na matinding laban ang haharapin nito ngunit handa itong makipagsabayan sa mahuhusay na tankers sa kanyang event.

“While I’m not expecting a stellar time due to fatigue and a lingering injury, I’m grateful for the experience of competing against the world’s best. I’m also enjo­ying Singapore’s delicious food and relaxed atmos­phere,” dagdag ni Mojdeh.

Nauna nang nakapasok sa finals ng 200m butterfly si Mojdeh kung saan nagtapos ito sa ikawalong puwesto tangan ang bilis na dalawang minuto at 16.58 segundo.

“I had a better performance in Singapore than in Korea, especially  qualifying for the 200 Fly and 400 IM finals back to back,” ani Mojdeh.

Nagpasalamat ito sa Philippine Aquatics Inc. at Philippine Sports Commission sa suportang ibinibigay nito upang mas lalo pang mapalakas ang mga swimmers.

“I’m thankful to my coaches, Sherwyn Santiago and Jerricson Llanos, for their guidance and support, as well as to PAI coaches, PSC, and my teammates. This ex­perience will undoubtedly help me grow as an athlete and better represent the Philippines in the future,” wika ni Mojdeh.

vuukle comment

OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with