^

PSN Palaro

Pinoy paddlers hakot ng 4 golds sa Worlds

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mainit ang ratsada ng Pinoy paddlers matapos humakot ng apat na ginto, isang pilak at isang tansong medalya sa ICF Dragon Boat World Championships na ginaganap sa Puerto Princesa Baywalk sa Palawan.

Unang nasikwat ng Pinoy squad ang gintong medalya sa standard boat mixed 200-meter finals sa bilis na 47.07 segundo para patumbahin ang Ca­nada (48.69) at Individual Neutral Athlete squad na binubuo ng Russian athletes (49.03), na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Sinundan ito ng PH women’s masters squad na namayagpag sa 40+ 200-meter event bunsod ng naitalang 49.41 segundo.

Tinalo ng Pinay paddlers ang Czechoslovakia (50.84) na nakakuha ng pilak at Hungary (52.12) na umani ng tanso.

Hindi rin nagpahuli ang PH men’s masters team na naghari naman sa standard board 200-meter event bitbit ang 49.01 segundo habang nakahirit din ng ginto ang PH women’s team sa parehong event hawak ang 55.22 segundo.

Maliban sa apat na ginto, umani ng pilak ang Pilipinas sa men’s 20-sea­ter standard boat open event (47.59) habang may tanso rin ang host country sa women’s 20-seater 200-meter event (55.22).

“Ginawa lang namin yung ginawa namin sa training with some slight changes. Huminga kami ng malalim then tuluy-tuloy na. Kumbaga full throttle,” ani national team skipper OJ Fuentes.

vuukle comment

DRAGOPN

ICF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with