Mojdeh magtatangkang pumasok sa World Cup Finals
MANILA, Philippines — Sasalang na ngayong araw si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa dalawang events sa pagsisimula ng 2024 World Aquatics Swimming World Cup second leg sa Munhak park Tae-Hwan Swimming Pool sa Incheon, South Korea.
Anim na events ang lalahukan ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) standout — ang 200m breaststroke, 200m butterfly, 100m breststroke, 50m butterfly, 400m Individual Medley at 100m butterfly.
Unang masisilayan sa aksyon si Mojdeh sa women’s 200m butterfly kung saan sasalang ito sa Heat 2 kasama sina Regan Smith ng Amerika, Britanny Castelluzzo ng Australia, Weng Chi Cheang ng Macau, at sina South Koreans Hong Jung Hwa, Kim Danee, Sujin Park at Ayun Lim.
Nakatakda ang laban sa alas-9:21 ng umaga ngayong araw (alas-8:21 ng umaga sa Maynila) kung saan pakay ni Mojdeh na makapasok sa eight-swimmer finals.
“I’m thrilled to compete at this elite level, representing my country and swimming alongside the world’s best. These athletes have inspired me, and I’m honored to join them. Please support us with your prayers and cheers. We’ll give our all to make our nation proud,” ani Mojdeh.
Maliban sa 200m butterfly, aarangkada rin si Mojdeh sa women’s 200m breaststroke sa alas-9:42 ng umaga (alas-10-42 ng umaga sa Maynila).
Kasama ni Mojdeh sa Incheon Leg ng World Cup sina Xiandi Chua, Miranda Renner, Joshua Ang, Raymund Paloma, Albert Jose Amaro II, Jerard Jacinto at Lucio Cuyong.
- Latest