^

PSN Palaro

Perpetual bubuhayin ang tsansa sa semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagbawi sa kabi­guan ang hangad ng Uni­versity Perpetual Help System DALTA sa pakikipagtuos sa Arellano University sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament.

Maghaharap ang Altas at Chiefs ngayong alas-2:30 ng hapon matapos ang bakbakan ng Letran Knights at San Sebastian Stags sa alas-11 ng umaga sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Hawak ng St. Benilde ang solong liderato sa kanilang 10-2 baraha sa itaas ng Mapua (10-3), nagdedepensang San Beda (8-5), Lyceum (6-6), Letran (6-6), Emilio Aguinaldo College (6-6), Perpetual (5-7), Arellano (4-8), Jose Rizal (3-9) at San Sebastian (3-9).

Nakalasap ang Altas ng 53-57 pagkatalo sa Red Lions, habang umiskor ang Chiefs ng 91-86 panalo sa Pirates sa kanilang mga huling laban.

Sina rookie Mark Gojo Cruz, Christian Pagaran, JP Boral, Jearico Nuñez at John Abis ang babandera sa Altas kontra kina Lorenz Capulong, Basti Valencia, Renzo Abiera, EJ Geronimo at Maverick Vinoya ng Chiefs.

Sa panalo sa Lyceum ay bumanat si Capulong ng career-high 30 points at 16 rebounds para sa Arellano.

Sa unang laro, pipilitin ng Knights na makaba­ngon mula sa apat na dikit na kamalasan sa pagsagupa sa Stags matapos takasan ang eight-game losing slump.

Nagmula ang Letran sa 78-86 pagyukod sa Mapua, samantalang nakatikim ang San Sebastian ng 94-101 kabiguan sa EAC sa kanilang mga hu­ling laban.

Hindi nakapaglaro si star guard Jimboy Estrada sa nasabing pagkatalo ng Knights sa Cardinals matapos patawan ng one-game suspension dahil sa dalawang unsportsmanlike foul sa kanilang naunang laro sa Altas.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with