Mikee & Milka
Like father, like daughter.
‘Yan si Mikee Romero, ang Party-List congressman ng 1PACMAN (Patriotic Coalition of Marginalized Nationals) and team owner ng NorthPort sa PBA, at ang kanyang magandang anak na si Milka.
Tinatapos na lang ni Cong. Mikee ang third term niya and in his own words, “Graduate na ako.”
Bibitiw na siya sa Kongreso, kung saan naging Deputy House Speaker siya, at muling ibabaling ang focus sa mga negosyo at sports.
Dito naman papasok si Milka, na gusto ipagpatuloy ang trabaho ng kanyang ama sa Kongreso. Same Party-List – 1PACMAN na ang layunin ay tumulong sa mga mahihirap at sa sports.
“Ipagpatuloy lang niya ang sinimulan ko. Tumulong siya sa tao. Tulungan din niya ang mga athletes,” sabi ng congressman na isang batikang polo player.
Sabi nila, sports and politics don’t mix. Pero kung hawak mo ang tamang formula, sports and politics can work.
Mahilig din sa sports si Milka na isang model at business owner. Naglalaro ng futsal at ngayon ay co-owner ng Capital1 Solar Energy team sa Philippine Volleyball League.
Katulong ni Milka ang kanyang kapatid na si Mandy na patakbuhin ang volleyball team. Lumaki silang pinapanood ang kanilang ama magpatakbo ng teams sa PBL at PBA.
Kaya dehins sila strangers sa larangan na ito.
At hindi din kataka-taka na parehong landas ni father dear ang tinatahak nila – especially si Milka.
Good luck!
- Latest