^

PSN Palaro

3-2 lead sa Ginebra

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
3-2 lead sa Ginebra
Nailusot ni Scottie Thompson ng Barangay Gine- bra ang kanyang layup laban kay San Miguel import EJ Anosike sa Game Five.
PBA Image

Cardel sinibak ng Terrafirma Dyip

MANILA, Philippines —  Dumikit ang Barangay Ginebra sa finals ticket ma­tapos resbakan ang San Mi­guel, 121-92, sa Game Five ng Season 49 PBA Go­vernors’ Cup semifinals series kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Inagaw ng Gin Kings ang 3-2 lead sa kanilang best-of-seven showdown ng Beermen para lumapit sa ika-31 finals appearance target ang pang-16 korona.

Tumipa si rookie guard RJ Abarrientos ng 28 points, 3 rebounds at 2 assists at may 22 markers si Scottie Thompson.

Nagdagdag si import Jus­tin Brownlee ng 18 points at may 15 at 13 mar­kers sina Japeth Aguilar at Maverick Ahanmisi, ayon sa pagkakasunod.

Maagang kumamada ang San Miguel sa first period tampok ang three-point shot ni Marcio Lassiter para sa kanilang 33-20 abante sa 3:01 minuto nito.

“I think we were just too pumped up in the beginning. We weren’t really thinking the game. But we just got to turn around,” ani coach Tim Cone.

Isang 14-0 atake ang gi­nawa ng Ginebra sa pag­bibida ni Thompson pa­ra agawin ang 34-33 ben­tahe patungo sa pagtatala ng 59-46 kalamangan bago ang halftime.

Huling dumikit ang Beer­men sa 67-68 galing sa layup ni Lassiter sa 7:26 minuto ng third period.

Isang 24-8 bomba ang pinaputok ng Gin Kings tampok ang triple ni Abarrientos para makalayo sa 92-79.

Tuluyan nang nakawala ang Ginebra sa 110-81 matapos ang tres ni Nards Pinto sa 6:39 minuto ng fourth quarter.

Umiskor si import EJ Ano­sike ng 21 points, habang may 17 markers si eight-time PBA MVP June Mar Fajardo sa panig ng San Miguel.

Samantala, sinibak ng Terrafirma si coach Johnedel Cardel matapos ang anim na seasons.

Inihatid ng 54-anyos na si Cardel ang Dyip sa mahinang overall record na 30-113 sa kanyang anim na taong pamamahala.

Kasama rito ang 1-9 marka sa Governors’ Cup.

Si long-time assistant coach Raymond Tiongco ang papalit kay Cardel.

GAME FIVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with