Valdez ready na ulit sa PVL
MANILA, Philippines — Balik-ensayo na si volleyball superstar Alyssa Valdez ng Creamline para paghandaan ang Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Sa ilang videos na lumabas sa social media ay kasama na ng Cool Smashers sa ensayo si Valdez.
Bagay na mas lalong nagpa-excite sa mga fans ng Cool Smashers dahil magbabalik na ang tinaguriang ‘phenom’ ng Philippine volleyball.
Aminado si Valdez na sumasagi na sa isipan nito ang pagreretiro sa volleyball.
Ilang kumperensiya nang hindi nakapaglaro si Valdez dahil nagpapagaling pa ito sa injury.
Kaya naman bago isipin ang retirement ay nais muna ni Valdez na makabalik sa aksiyon upang tulungan ang Cool Smashers na muling makasungkit ng korona sa PVL.
Wala nang dapat pang patunayan si Valdez.
Tinulungan nito ang Ateneo de Manila University na masungkit dalawang korona sa UAAP at itinanghal itong Season MVP ng tatlong beses noong Season 70, Season 71 at Season 72.
Sa professional league ay may 10 korona na ito kasama ang Cool Smashers kabilang ang ‘four-peat’ sa 2023 PVL Second All-Filipino Conference, 2024 PVL All-Filipino Conference, 2024 PVL Reinforced Conference at 2024 PVL Invitational Conference.
- Latest