^

PSN Palaro

Milka Romero palalakasin ang Capital1

Pilipino Star Ngayon
Milka Romero palalakasin ang Capital1
Si Capital1 Solar Energy co-team owner Milka Romero sa isa sa kanyang mga aktibidad.
STAR/File

MANILA, Philippines — Determinado si co-team owner Milka Romero na palakasin ang Capital1 So­lar Energy – katuwang ang kanyang kapatid na si Mandy – sa Philippine Volleyball League (PVL).

Nagparamdam si Milka na kukuha ng mga bigating players para sa inaasam na korona.

“The team has overachieved in the last PVL con­ference, but winning a championship is still our main goal, so we are doing everything possible so we can have the best players in our team,” sabi ng anak ni outgoing 1Pacman Rep. Mi­kee Romero.

Bagama’t magiging aba­la sa preparasyon para sa 2025 midterm elections bilang No. 1 nominee ng party-list ng kanyang ama sa Congress, iginiit ni Milka na magiging aktibo siya sa pagpapalakas ng Solar Spikers kasama si Mandy.

Umabante ang Capital1 sa quarterfinals ng na­karaang PVL Reinforced Conference sa kanila pa la­mang ikalawang confe­rence.

Hindi na bago ang pagi­ging public servant para sa 31-anyos na part-time mo­del na si Milka.

Lagi kasi siyang nasa tabi ng kanyang ama bilang dating Senior Deputy Speaker sa pagtulong sa mga nanganga­ilangan.

Sakaling maihalal sa Congress sa susunod na taon, sinabi ni Milka na hin­di lamang siya tututok sa volleyball kundi maging sa iba pang sports kung saan malaki ang tsansa ng mga Pinoy na manalo.

Kamakailan ay nagsa­gawa ang Capital1 team ng volleyball clinics sa Tagudin sa Ilocos Sur at nilabanan ang isang local team.

“Hopefully we can do more clinics in other areas be­cause we need to boost the country’s sports development program. And if stars align next year, we’ll have more clinics not only in volleyball but also other sports,” ani Milka na isa sa mga awardees ng People Asia’s “Women of Style & Substance 2024.”

MILKA ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with