Kai Sotto nagpasiklab sa Japan
MANILA, Philippines — Maganda ang inilalaro ni Kai Sotto para sa Koshigaya Alphas sa Japan B.League.
Nagpasiklab ang Pinoy cager ng double-double na 18 puntos at 15 rebounds sa huling laro ng Alphas sa Koshigaya City Gymnasium.
Subalit hindi ito sapat para dalhin ang Alphas sa panalo matapos lumasap ang kanilang tropa ng 65-87 kabiguan sa kamay ng Ryukyu Golden Kings.
Sinundan ito ng 7-foot-3 Gilas Pilipinas standout ng isa pang double-double output na 16 points at 14 rebounds.
Ngunit kapos pa rin ito nang umani ang Alphas ng 59-87 pagyuko sa parehong team.
Sa kabilang banda, maganda rin ang puwesto ng kapwa Gilas member nitong si AJ Edu na naglalaro para sa Levanga Hokkaido.
Hawak ng Hokkaido ang 3-1 baraha.
Limitado lamang ang paglalaro ni Edu na galing sa injury.
Nakatakdang bumalik sa Pilipinas sina Sotto, Edu at Ramos sa Nobyembre para makasama ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers na idaraos sa Maynila sa Nobyembre.
Unang makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa Nov. 21 sa MOA sa Pasay City kasunod ang Hong Kong sa Nov. 24 sa parehong venue.
- Latest