POC suportado ang Asian amateur MMA
MANILA, Philippines — Nangako ang Philippine Olympic Committee (POC) na palalakasin ang mixed martial arts (MMA) sa Asya.
Ito ay kasabay ng pagsisimula ng Asian Mixed Martial Arts Manila Open kahapon at magtatapos bukas sa Grand Ballroom of Marriott Manila.
Idaraos ang debut ng MMA sa 2025 Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Saudi Arabia.
“We are very thankful to your overall support and we will make sure that this amateur sport will be the safest,” ani POC president Abraham “Bambol” Tolentino sa opening ceremony ng three-day event. “We’re happy that MMA is in the program of the 2025 AIMAG in Saudi Arabia.”
Bukod sa cycling ay pinamumunuan rin ni Tolentino ang bagong tatag na Nasyonal Mixed Martial Arts Pederasyon ng Pilipinas (NMMAPP)—ang highest governing body para sa amateur MMA sa bansa—na nag-organisa ng Asian Mixed Martial Arts Manila Open.
Kabuuang 88 fighters mula sa 16 Asian countries na kinabibilangan ng Pilipinas, Thailand, India, China, Mongolia, Hong Kong at Kazakhstan ang sasabak sa 11 weight classes.
Pinasalamatan ni Tolentino si Gordon Tang, ang Asian Mixed Martial Arts (AMMA) president at Olympic Council of Asia vice president, ng Cambodia sa pagpili sa Pilipinas para maging inaugural venue ng event.
Nakasama nina Tolentino at Tang sa opening night sina VIP Director of 9 Dynasty Group Derries Wong, pro fighter Kazuhiro Sakamoto, AMMA sports committee chairman Wang Zuankan, Jiang Longyun, Okada Shie at NMMAPP secretary-general Alvin Aguilar.
Ang gold medalists ay tatanggap ng $8,000, habang ang silver medalist at bronze medalists ay bibigyan ng $4,000 at $2,000, ayon sa pagkakasunod.
- Latest