^

PSN Palaro

La Salle magsosolo sa itaas

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
La Salle magsosolo sa itaas
La Salle star Kevin Quiambao.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Kakalas sa two-way tie sa top spot ang defending champions De La Salle Uni­verisity sa pagharap sa University of the East sa pagsisimula ng second round ng UAAP Season 87 men’s basketball tourna­ment sa Smart Araneta Co­­liseum.

Kasalo ng Green Archers sa tuktok ng team stan­dings ang Season 86 runner-up Uni­versity of the Philippines Fighting Ma­roons tangan ang magkatulad na 6-1 re­cord kaya ang panalo nila sa Red Warriors nga­yong alas-6 ng gabi ang mag­bibigay sa kanila ng solo lead.

Kakapitan ng La Salle si reigning MVP Kevin Quiambao.

Naniniwala si Quiambao na kaya nilang talunin ang kanilang mga kalaban.

“We are confident that we can beat them all,” sabi ni Quiambao.

Pero tiyak na mahigpit ang magiging labanan sa pa­gitan ng Green Archers at Red Warriors na mag-isa sa pangatlong puwesto hawak ang 5-2 karta.

No. 1 ang La Salle sa points matapos ilista ang total 529 ponts mula sa average na 75.57 points.

Ang UE ang nangungu­na sa free throws sa inilis­tang 95-of-156 foul shots at may average na 22.29 points kada laro sa team statistical points.

Sa unang laro sa alas-4 ng hapon maghaharap ang Adamson University at Far Eastern University.

Bitbit ng Soaring Falcons ang 3-4 kartada, sa­man­talang may 1-6 baraha ang Tamaraws.

DE LA SALLE

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with