^

PSN Palaro

Perpetual babangon sa kamalasan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Perpetual babangon sa kamalasan
“These three games, I think, are very crucial for our growth moving forward. We just have to prepare for the second round and hope na enough ‘yung natutuhan namin sa first round to propel us,” ani coach Olsen Racela.
NCAA

MANILA, Philippines — Determinado ang University of Perpetual Help System DALTA na makabangon mula sa tatlong dikit na talo para patibayin ang tsansa sa Final Four.

“These three games, I think, are very crucial for our growth moving forward. We just have to prepare for the second round and hope na enough ‘yung natutuhan namin sa first round to propel us,” ani coach Olsen Racela.

Lalabanan ng Altas ang Emilio Aguinaldo College Generals ngayong alas-2:30 ng hapon matapos ang bakbakan ng Letran Knights at Lyceum of the Philippines University Pirates sa alas-12 ng tanghali sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Solo ng St. Benilde ang liderato tangan ang 7-2 record kasunod ang Letran (6-3), Mapua (6-3), nagdedepensang San Beda (6-3), Perpetual (4-5), L­yceum (4-5), EAC (4-5), Jose Rizal (3-6), Arellano (3-6) at San Sebastian (2-7).

Nagmula ang Altas sa 62-63 kabiguan sa Red Lions sa huli nilang laro, habang umiskor ang Ge­nerals ng malaking 73-71 panalo sa Blazers.

“Ang pinakaimportante kasi ‘yung prosesong dinadaanan ng team. Suwerte kami doon kasi nadaanan na namin. Maybe sa second round baka ibang-iba,” sabi ni EAC mentor Chico Manabat.

Sa unang laro, hangad ng Knights na masolo ang second spot sa pagharap sa Pirates na kanilang tinalo sa first round, 78-66.

Sa NCAA Season 99 noong nakaraang taon ay isang panalo lamang ang nailista ng Letran kumpara sa anim ngayong taon.

“Siguro sa akin, sini­mulan ko lang sa pag-u­ugali kasi ‘yung mga techniques, lahat ng basketball c­oaches dito ang gagaling. Aral na aral so in terms of X’s and O’s, naniniwala ako na malalim ‘yung kaalaman nila,” ani rookie coach Allen Ricardo sa Knights.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with