Rizal, Caloocan wagi sa MPVA
MANILA, Philippines — Winalis ng Rizal St. Gerrard Charity Foundation Inc. ang ICC Negros, 25-17, 25-14, 28-26, habang tinalo ng AM Caloocan Air Force ang Valenzuela Classy, 25-15, 22-25, 25-17, 25-19, sa Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang ikaapat na sunod na ratsada ng Rizal ang nagtaas sa kanilang baraha sa 10-3 sa likod ng league-leader Quezon Tangerines (10-1) sa upstart volleyball league na binuo ni dating Senator at MPBL chief Manny Pacquiao.
Pumalo si Vanessa Yvonne Martin ng 10 points mula sa walong attacks, isang ace at isang block.
Nag-ambag sina Janeth Tulang at Roxie Dela Cruz ng tig-walong marka para sa Rizal na naunang natalo sa Bacoor bago binigo ang Marikina, Biñan at San Juan.
Samantala, humataw si veteran spiker Aiko Urdas ng 14 points mula sa 14 hits sa paggiya sa AM Spikers sa panalo sa Valenzuela at itala ang 5-5 marka.
Nasa ilalim ng fourth-placer Biñan Tatak Gel (6-5) ang Caloocan sa nine-team league na suportado ng Extreme One-Stop Shop Appliances, ASICS, Mikasa at Gerflor katuwang ang MPTV at Outcomm bilang broadcast partners.
Ang top four teams, ang top two ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ iadvantage, matapos ang two-round eliminations ang aabante sa playoffs ng MPVA na inorganisa ng Volleyball Masters of the Philippines.
- Latest