St. Benilde kakapit sa liderato
MANILA, Philippines — Inaasahang mas maganda na ang lalaruin ng College of St. Benilde sa pagharap sa Arellano University matapos ang tinawag na ‘worst game’ ni coach Charles Tiu laban San Sebastian College-Recoletos noong Martes.
Isinuko ng Blazers ang hawak na 26-point lead bago inilusot ang 96-94 overtime win sa Stags.
“It’s one of the worst games that I’ve been a part of. For us to be playing like this, it’s like high school, actually parang grade school pa nga kami maglaro eh,” sabi ni Tiu. “So we really have to do a better job.”
Sasagupain ng St. Benilde ang Arellano ngayong alas-12 ng tanghali kasunod ang salpukan ng Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal University sa alas-2:30 ng hapon sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Kumpara sa Blazers nakalasap ang Chiefs ng 71-77 kabiguan sa Mapua Cardinals sa huli nilang laro.
Hawak ng St. Benilde ang solong liderato sa 6-1 record sa itaas ng Mapua (6-2), Letran (5-3), nagdedepensang San Beda (4-3), Lyceum (4-4), Perpetual (4-4), EAC (3-4), Jose Rizal (2-5), Arellano (2-6) at San Sebastian (2-6).
Ang mga krusyal na tirada ni Tony Ynot at ang game-sealing layup ni Jhomel Ancheta an sumelyo sa panalo ng Blazers sa Stags.
Sa ikalawang laro, target ng Generals ang back-to-back wins sa pakikipagtuos sa Heavy Bombers.
- Latest