^

PSN Palaro

ICF world dragon boat meet kasado na sa Puerto Princesa

Russell Cadayona - Philstar.com
ICF world dragon boat meet kasado na sa Puerto Princesa
Ang Philippine national dragon boat team na lalaban para makasikwat ng puwesto sa 2025 World Games sa Chengdu, China.

MANILA, Philippines – Binasbasan ng International Canoe Federation (ICF) ang pagdaraos ng Pilipinas sa ICF Dragon Boat World Championships sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4 sa Puerto Princesa, Palawan.

Ang event na inorganisa ng Philippine Canoe Kayak Federation (PCKF) ay main qualifying meet para sa 2025 World Games.

Gagawin ng popular paddling sport ang debut sa 12th edition ng quadrennial sportsfest para sa non-Olympic disciplines sa Agosto 7 hanggang 17, 2025 sa Chengdu, China.

Kaya ang nasabing torneo na kapwa inorganisa at suportado ng Puerto Princesa City government sa pamumuno ni Mayor Lucilo Bayron ay isang 'must event' para sa mga top global paddlers.

“Itong world championship natin ang major qualification event for the World Games next year. Ang World Games po ay counterpart ng Olympic Games at ang mga sports na hindi nilalaro sa Olympics,” ani PCKF president Len Escollante.

“This is also the first time that dragon boat racing will be played in the World Games kaya malaking bagay na napunta sa atin at sa Puerto Princesa gagawin at sampung teams o bansa ang magkaka-qualify dito sa tournament," dagdag nito.

Ang 10 qualified teams ay ibabase sa cumulative times sa mixed team small boat o 10-seater category sa 200, 500 at 2,000-meter races na idaraos sa Sulu Sea sa Puerto Princesa Baywalk.

Binigyan ni German ICF president Thomas Konietzko ng 'thumbs-up' ang mga organizers ng ICF Dragon Boat World Championships sa ginawang ocular inspection ng isang ICF delegation kasama si ICF Dragon Boat Commission chairman Wai-Hung Luk ng China.

“It’s an honor for Puerto Princesa to host an event of this magnitude. This is a significant challenge for us, but once we get started and achieve success, it means that organizing and hosting larger events will become much easier for us,’’ sabi ni Mayor Bayron.

DRAGONBOAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with