^

PSN Palaro

Lady Stags bibinyagan ng Lady Tams sa SSL

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kikilatisin nina setter Tin Ubaldo at Chenie Tagaod at ng Far Eastern University ang tikas ng San Sebastian College-Recoletos sa paghaharap nila sa Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship ngayon sa Rizal Memorial Coliseum. 

Magsisimula ang laban sa unang laro ng Pool D showdown sa pagitan ng FEU at San Sebastian sa alas-3:30 ng hapon kung saan inaasahang buo ang loob ng Lady Tamaraws matapos ang runner-up finish nila sa National Invitationals noong Hulyo.

Maliban kina Ubaldo at Tagaod, kakapitan din ni FEU head coach Tina Salak sina National Invitationals 2nd Best Middle Blocker Jean Asis at Faida Bakanke.

Noong nakaraang taong edition ay nakopo ng Lady Tams ang bronze.

“Ibibigay namin ang best namin sa game and magandang exposure na rin ito para sa mga rookies namin para makita kung anong kaya nilang gawin,” ani FEU assistant coach Joanne Bunag.

Determinado naman ang tropa ni Lady Stags multi-titled tactician Roger Gorayeb na bibigyan nila ng magandang laban ang Lady Tamaraws, huhugot ng puwersa si coach kina skipper Katherine Santos, Von Dimaculangan at Kristine Dionisio.

Samantala, maglalaban naman sa Pool B ang University of the East Lady Warriors at Lyceum of the Philippines University Lady Pirates sa alas-6 ng gabi sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Magbabalik laro para sa Lady Warriors si Jelai Gajero matapos ang mahabang pahinga dahil sa kanyang injury sa tuhod noong nakaraang taon.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with