^

PSN Palaro

Quiambao ibinangon agad ang La Salle

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Quiambao ibinangon agad ang La Salle
Tinirahan ni Kevin Quiambao ng La Salle si Veejay Pre ng FEU.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Balik sa porma ang defending champion De La Salle University matapos nilang takasan ang Far Eastern University, 68-62 kahapon sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Samart Araneta Coliseum.

Kinapitan ng Taft-ba­sed squad sa opensa sina reigning Most Valua­ble Player, (MVP) Kevin Quiambao at Mike Phillips upang makabangon agad mula sa pagkakatisod nila nakaraang laban.

Nagtala si Quiambao ng 12 points, 11 rebounds at walong assists habang nag-ambag si Phillips ng double-double na 13 mar­kers at 14 boards para sa Green Archers na nilista ang 4-1 karta.

Pero hindi naging madali para sa La Salle na makuha ang panalo dahil naging mabangis sa buong laban ang Tamaraws.

Kahit nakalamang ng 10 puntos ang Green Archers sa halftime, 38-28 ay nailapit pa ito ng Tamaraws sa third canto ng hatakin nila ang 22-13 bentahe kaya natapyasan sa isang puntos ang hinahabol, 51-50 papasok ng payoff period.

Hindi naman nangatog ang mga tuhod ng Green Archers, nanatili ang kanilang tikas para makuha ang panalo.

Lupaypay ang balikat ng La Salle ng dungisan ng University of the East ang kanilang malinis na karta noong Linggo matapos yumuko, 71-75.

“It’s just another challenging opportunity for us. Can I go back to our UE game? UE didn’t upset us—they really deserved the win,” ani Green Archers head coach Topex Robinson.

Nabaon sa ilalim ng team standings ang Tamaraws na nalasap ang ika-limang sunod na kabiguan.

Si FEU rookie guard Janrey Pasaol ang nanguna sa puntusan sa nilistang 13 puntos habang nagtala naman si Gambian center Mo Konateh ng 12 points, 25 rebounds at apat na blocks.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with